Sya si Mang Antonio, Retired Police General pero araw araw nya yon nalilimutan. Alzheimer's.. alam nyo na. Minsan nga naiiiwan nya pa yung cellphone nya sa Refrigerator. Meron syang tatlong kaibigan na lagi nyang kalaro ng pusoy dos at gusto nyang maging isang panadero. Ang problema. Matanda na si Mang Antonio, pero gusto nya parin matupad yung pangarap nyang maging panadero. Ang nakakalungkot lang hindi sya masuportahan ng mga anak nya, pero buti nalang may mga kaibigan sya at Isang napaka mapagmahal at maintindihing asawa. Dahil gusto nya ngang maging panadero, inubos niya ang retirement fund nya sa panaderia niya dahil gusto nyang ipakita sa mga anak niya na kaya niya pa. Isang matandang marami pang gustong gawin at patunayan, Kung nasa bingit sya, Ililigtas mo ba sya?

Sya si Fiesta.. Fiesta lang, walang Happy. Maliit palang siya iniwan na sila ng Nanay nya, kaya sila nalang ng Tatay niya ang magkasama sa buhay. Konduktora si Fiesta, doon nya nakilala si Nato Timbang Bayan. Ang problema, Simula iwan sila ng Nanay nya, wala nang ginawa ang Tatay nya kundi. Uminom ng uminom, maglasing ng maglasing.. Pero kahit ganon, Inalagaan at pinagsisilbihan parin ni Fiesta ang Tatay niya. Bukod sa Tatay nya si Nato lang ang lalakeng minahal niya, dahil si Nato lang ang nagmahal, rumespeto at trinato siyang babae. Pero may asawa at anak sa una si Nato. Dahil alam ni Fiesta kung gano kahirap lumaki ng kulang ang magulang kahit na buntis siya, Nagsakripisyo siya. Pinabalik niya si Nato sa pamilya niya.. dahil hindi niya kaya na may isang bata nanaman na lalaking kulang sa gabay ng magulang. Isang taong habang buhay nagsakripisyo para sa ibang tao, kahit kailan hindi nakaranas ng ginhawa at saya, Kung nasa bingit sya, Ililigtas mo ba sya?
Siya si Caloy, College student. May dalawang loko-lokong dorm mate. Ang problema, Long Distance Relationship sila ng girlfriend niya na si Angel. At dahil Long Distance nga, sa skype lang sila nagkikita. Walang intimate moment. Sa Anniversary nila balak nilang magkita at gawin na. Kasi parehas pa daw silang virgin at special ang first time nila at sa taong mahal lang nila yun ibibigay. Pero si Angel hindi sinasadyang nilapitan ng tukso at naibigay na sa iba ang first time niya, nang malaman ni Caloy nagalit siya.. Nagparty pag gising niya eh.. kasama niya na si Jenna sa kwarto at walang damit. Nahuli sila ni Angel. Isang binatang malayo pa ang pwedeng marating, na dumadaan sa mga problema ng mga karaniwang kabataan kagaya ng pag-ibig, peer pressure at pag-aaral. Kung nasa bingit sya, Ililigtas mo ba siya?
Kung may ililigtas ka sakanila, Sino kaya?

























